Archive for the ‘Filipino’ Category

Minsan Kailangan Din.

Monday, February 27th, 2012

Minsan kailangan mo lang

tanggapin kung ano kayo ngayon,

Kesa paasahin mo ang sarili mo

na magbabago pa ‘yun

Sa paglipas ng panahon.

Hirap Umasa

Friday, February 24th, 2012

Hirap umasa sa di’mo alam

Kung ano kaba sa kanya,

Di’mo alam kung saan ka¬† dapat lumugar,

Hirap mag desisyon

Kasi minsan ‘kala mo Mahal ka niya

Pero ang totoo

Pinasasaya ka lang niya

Kasi alam niyang

Mahal mo sya!.

Kung Tutuusin

Thursday, May 8th, 2008

Kung tutuusin magkasama sana kami ngayon.
Sabi nga nila:
“Lahat ng bagay pwede, pero hindi lahat ng pwede, dapat.”
Galing no?!
Parang kami.
“Dapat sana, pero hindi pwede.”

Huwag Mong Bitawan

Wednesday, April 30th, 2008

Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hinahawakan ng iba.

Ang Pag-ibig

Tuesday, April 29th, 2008

Ang Pag-ibig ay hindi tulad ng bayad sa dyip. Na kapag ng bayad ka ng buo, kailangang masuklian.

Isang Araw

Saturday, February 9th, 2008

Isang araw, naglayas ako.
Naligaw, nasaktan, umibig at nabigo.
Iniwan at walang dumamay.
Nadapa pero muling bumangon at lumaban.
Galing noh?
Isang araw lang ang lahat ng iyon! :)

May Gusto Tayong Makuha

Friday, January 4th, 2008

May gusto tayong makuha, pero hindi para sa atin.
May mga taong gusto nating makasama, pero dapat pakawalan.
Mahirap talagang umasa at mag mahal, lalo na at alam mong dapat na siyang kalimutan.

Mahirap Iwanan Ang Taong Bahagi Ng Buhay Mo

Friday, September 28th, 2007

Mahirap iwanan ang taong bahagi ng buhay mo.
Pero minsan kailangan mong umalis sa buhay niya, para di ka masaktan.
Tanong ko lang…
“Paano ba magpaalam sa taong ayaw mo ng iwan?”

Mahirap Magmahal ng Taong Di Sa Yo

Friday, September 28th, 2007

Mahirap magmahal ng taong di sa ‘yo
Masasaktan ka kahit di dapat.
Iiyak ka kahit di kayo.
Pero higit na masakit, na alam mong mahal ka niya, pero walang pagkakataon para mahalin niyo ang isa’t-isa.
=(

Minsan Nagagalit Ka Sa Sarili Mo

Monday, September 24th, 2007

Minsan nagagalit ka sa sarili mo.
Kung paano ka niya napaibig ng husto.
Lulunukin mo kahit pride mo.
Wag lang siyang mawala sa yo.
Ganun talaga ang pag-ibig.
Kahit gaano pa ka talino ang puso, nagiging BOBO.